ASAHI supports SWAB Cab project in Malabon

We are thankful for what you, VP Leni Robredo, and your team are doing for our country!

[A] Bilang patuloy na suporta sa ating Swab Cab project sa Malabon, naghanda rin ang OVP, sa tulong ng Malabon LGU, ng extension ng quarantine center. Ito ay pansamantalang matutuluyan ng mga pasyenteng asymptomatic at may mga mild symptoms na nagpositibo sa antigen test, ngunit hindi angkop ang tahanan para sa home quarantine. Kinakailangan lamang na makipag-ugnayan sa inyong City Health Office bago mailipat sa nasabing pasilidad.

Ang inihanda nating quarantine center ay may 41 modular tents. Isang pasyente ang maaaring gumamit kada tent, na naglalaman ng mattress, unan, electric fan, health kit at hygiene kit. Kasama rin sa tulong para sa mga pasyente ang ready to eat meals habang naka-quarantine.

Maliban dito, available rin sa pasilidad ang mga paliguan, banyo at hugasan. Mayroon ding 24-hour nurse station sa quarantine center, upang mabantayan ang kalagayan ng mga pasyente. Sa tulong naman ng mga utility personnel, sisiguruhin natin ang kalinisan ng mga common area. May mga alcohol dispenser din na nakalagay sa pasilidad.

Naging posible ito sa pakikipagtulungan ng Malabon LGU, at ng ating mga #AngatBuhay partners na naghandog ng mga mattresses, ang Asahi Home Appliances Philippines para sa mga electric fans, ang Rotary Club of San Juan Del Monte para sa alcohol dispensers, at ang Imelda Elementary School, na nagpahiram ng espasyo kung saan natin naitayo ang quarantine center extension. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

SEE ORGINAL POST HERE

Related posts

Popular products

Product categories